top of page

Sa Bala ng Kanyong Iyon


Sa Bala ng Kanyong Iyon

ni Leo R. Ocampo


Tuhod mo lang ang tinamaan ngunit bakit buong pagkatao mo ang unti-unting nadurog nahulog nahubog?


At mula sa mga bubog sumibol ang isang bagong pangarap bagong pag-ibig bagong tao.


Ikaw lang naman ang nasapol ngunit bakit ‘di mabilang ang gumaling nahilom nakabangon?


Kailan pa naging nakakahawa ang isang tama ng kanyon na parami nang parami at patindi nang patindi ang naiimpeksyon?


At kapwa rin nadudurog nahuhulog nahuhubog.


Lahat salamat sa kamay na gumabay sa bala ng kanyong iyon.

Комментарии


Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page