top of page

Panalangin kay San Jose ni Papa Francisco sa Araw-Araw



(Talababa 10 ng Patris Corde) Araw-araw, sa loob ng mahigit apatnapung taon, dinadasal ko pagkatapos ng panalangin sa umaga ang isang panalangin kay San Jose na galing sa isang dasalang Pranses ng Kongregasyon ng mga kapatid nina Hesus at Maria na inilimbag noong ika-19 na siglo. Ipinapahayag nito ang debosyon at tiwala, at tila hinahamon pa si San Jose:


O maluwalhating Patriyarka, San Jose, na may kapangyarihang gawing posible ang imposible, tulungan mo ako sa sandaling ito ng pangamba at pagsubok. Tanggapin mo sa iyong pangangalaga ang mabibigat at nakababahalang sitwasyong idinudulog ko sa iyo nang ito ay magkaroon ng masayang kahihinatnan. Minamahal kong ama, lubos ang aking tiwala sa iyo. Huwag ko nawang masabi na nabigo ako sa aking pagtawag sa iyo, at yayamang kaya mong gawin lahat kasama si Hesus at Maria, ipakita mo sa akin na ang iyong kabutihan ay singlaki ng iyong kapangyarihan. Amen.

Komentar


Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page