top of page

Memorare kay San Jose


Memorare kay San Jose

Isinalin ni Leo R. Ocampo


Alalahanin mo,

O kalinis-linisang Kabiyak

ng Mahal na Birheng Maria,

na hindi pa kailanman napabalita

na may humingi ng iyong tulong

o dumulog sa iyong pamamagitan

at iyong pinabayaan.


Buo ang tiwala sa iyong kapangyarihan,

lumalapit ako sa iyo

at nagsusumamo sa iyong pag-ampon.


Huwag mo sanang siphayuin

ang aking abang hiling,

O Tagapangalaga ng Tagapagligtas,

ngunit sa iyong kabutihan,

dinggin mo ako at tugunin.

Amen.













Aa


Comments


Single Post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page