Salin mula sa bersyong Español ng tulang Enamórate ni Padre Pedro Arrupe, SJ na sinipi ni Papa Francisco sa talata blg. 132 ng Christus Vivit.
Wala nang mas mahalaga pa sa matagpuan ang Diyos, sa mahulog sa kanya sa isang ganap at pang-habambuhay na paraan. Ang bumibihag sa imahinasyon mo ay kung ano ang mahal mo, at nag-iiwan ito ng bakas sa lahat. Ito ang magsasabi kung bakit ka bumabangon sa iyong kama sa umaga, kung ano ang ginagawa mo sa gabi, kung paano mo ginugugol ang iyong Sabado at Linggo, kung anu-ano ang binabasa mo, kung sinu-sino ang kilala mo, kung ano ang kayang bumasag sa puso mo at kung ano ang kayang magpakilig sayo sa tuwa at pasasalamat. Umibig ka, manatili sa pag-ibig, at magbabago ang lahat.
«Nada puede importar más que encontrar a Dios. Es decir, enamorarse de Él de una manera definitiva y absoluta. Aquello de lo que te enamoras atrapa tu imaginación, y acaba por ir dejando su huella en todo. Será lo que decida qué es lo que te saca de la cama en la mañana, qué haces con tus atardeceres, en qué empleas tus fines de semana, lo que lees, lo que conoces, lo que rompe tu corazón y lo que te sobrecoge de alegría y gratitud. ¡Enamórate! ¡Permanece en el amor! Todo será de otra manera»